Sometime past 2 : 00 AM ng Sabado, kakauwi lang galing opisina.
I reached deep down in my bag for my naghihingalong xperia neo. Napatungan na ng kung anu-anong mga bagay na laman ng bag ko. Nakita ko 1 new message and 3 missed calls. Di ako naexcite sa message kanino man galing yun, nagtaka lang ako sa missed calls. Usually ung mga taga-globe lang naman ang tumatawag sa akin for verification ng kung anu-anong information regarding my phone line application. (Di na ako aasa na maapprove to. It's been over 2 weeks na since I applied). Si Samantha yung tumawag. I wondered why but didn't really felt the urgency to text her why she was calling.
Pag bukas ko ng Facebook ko nakita ko nag message din si Samantha ng "Mikaela!" Dun na ako nagtanong kung anong meron. Iniinvite pala kami ni Panget (Noemi) sa kanila. Napagkasunduan naming Saturday next weekend kami pumunta since free naman kaming dalawa sa araw na yun. Nagkaroon lang ng konting gusot sa plano nung makausap na namin mismo si Panget. Medyo magulo sya kausap, biglang nag-yaya ng sa mall na lang kami magkita-kita. Sam had to remind her na ung original na invitation was at their house in Antipolo. Panget then agreed to have the "reunion" sa bahay nila. Then when we mentioned the date, nagkagulo na naman dahil anniversary naman ng church nila Panget. Sam and I had to convince pa panget that that's the only day kami available. Magagawan naman daw ng paraan so we settled na rin. Medyo magulo pa rin kausap si Panget after all these years. Nabanggit ni Sam na medyo may crisis si Panget that's why she agreed on meeting with her. Naisip ko din na bakit hindi, it's been a while since I last saw them, it's the perfect time to catch up. At feeling ko, kailangan nga ni Panget ng makakausap. Hayy...
While Sam and I were discussing kung isasama niya ung dyowa nya, I was secretly wishing na sana wag nya isama. Selfish right? In my defense, naisip ko na kung isasama nya ung dyowa nya, Panget will have her husband probably beside her pag dating namin sa bahay nila and once again I am all by myself. Medyo na-awkward ako sa idea na yun so I demanded for Sam not to bring her plus one. There will be a better time for that and that time is not now.
Napaisip na naman ako kung bakit nga ba wala pa din akong partner? Minsan may halo nang pressure kaya nakakafrustrate na talaga. Mabuti pa si Sam, simula nung magcome out sya nakailang gf na din ata sya samantalang ako 100 years na out of the closet pero madalang ang dating. Kung iisipin ko naman, I never been in a closet. I didn't have to come out kasi totoo naman na ako sa pamilya ko as long as I can remember. Don't get me wrong. Nagkaroon na rin ako ng relationship. Ang inirereklamo ko lang naman eh, antagal na nung huli...it's goddamn time for me to be back in the dating scene! It's been long overdue! Haynaku! Nakakabwiset!
Minsan naman, parang willing na ako to put myself out there, as in ibilad ang sarili na parang tindang karne sa wet market kaso di nagtatagal, I tend to back out. Bigla kong naiisip na dapat I shouldn't be desperate because if he'll come, he'll come...at the right time. No need to go on sale at magbagsak presyo. So tendency is for me to coil back to my cave and hibernate ulit...back to my comfort zone. Weird di ba? Lalo na sa edad ko ngayon. Masyado nang late para magpademure pa.
Sa ganitong mga pagkakataon, nagdedebate na ang utak ko. Bukod sa wala akong tiwala sa sarili ko, mas wala akong tiwala sa ibang tao. Pakiramdam ko lolokohin lang ako ng mga tao. So ano? Ganito na lang ba talaga? Di na susugal? Okay na mag-isa? Pano na di ba? Di na talaga minsan comportable sa tinatawag na comfort zone. Kung di ka tataya, di ka mananalo. Andami ko pang iniisip sa ganitong usapan. Takot. Duwag. Ayan ang napapala. WALA.